JW Original Song: Ito'y Nalalapit Na



JW Original Song: Ito’y Nalalapit Na

1. Huni ng ibo’y pakinggan,
Langit ay ’yong pagmasdan.
Saanma’y punô ng buhay
Dito sa lupang Paraiso.
’Di makapaniwala
Sa iyong nakikita.
Na parang kahapon lang,
Ito’y nalalapit na.

2. Ang lahat ay may tahanan,
Tahimik at tiwasay.
Maligayang sama-sama
Habang sagana ating buhay.
Ito’y ating pangarap,
Matagal nang hinintay.
Ngunit kahapon lang ay
Ito’y nalalapit na.

(BRIDGE)
At palagi, ibahagi
Ang pag-asa sa ’yong puso.
Bawat luha, napawi na,
Nanariwa buong mundo.

3. Ang tinig ng kasayahan
Ng mahal mo sa buhay.
Kanilang pinapurihan,
Kay Jehova ay inialay.
Ang lahat ng pagpapala
Kay Jehova nagmula.
Na wari’y kahapon lang,
Ito’y nalalapit na.

(BRIDGE)
Bawat araw, tinatanaw,
Inaasam ang ’yong ngiti.
’Pagkat mithi ko palagi,
Ikaw ay mayakap muli.

4. ’Di magtatagal na
Ang bagong sanlibutan.
Pangako ’yan ni Jehova
At wala ngang makahahadlang.
At ito ay kaaliwan
Na isipin ang tunay.
Darating na ang araw,
Ito ay nalalapit na.

Comments