JW Original Song: Nananampalataya Ako

 


1.Kung may mga kalaban

Na magbanta sa akin,

Lagi kong tatandaan

Na lagi kang nariyan—

Kaibigan ko kahit kailan.

(KORO)

O aking Diyos, sa ’yo nagtitiwala.

Sa pagsubok ay ’di mangangamba.

Nananampalataya

Sa ’yo, aking Ama.

’Di mo ’ko iiwan kailanman,

O Jehova!

2.Ang nais ko’y tularan

Ang mga tapat sa iyo.

Kahit na may hadlang,

Nanampalataya—

Nanindigan sa panig mo.

(KORO)

O aking Diyos, sa ’yo nagtitiwala.

Sa pagsubok ay ’di mangangamba.

Nananampalataya

Sa ’yo, aking Ama.

’Di mo ’ko iiwan kailanman,

O Jehova!

(BRIDGE)

Sa tulong mo ay magagawa kong

Malagpasan ang pagsubok.

Ang taglay ko

Ay pananampalataya,

Walang hanggang iingatan.

3.O kay ganda ng buhay,

Sa ’ki’y naghihintay.

Hindi susuko

At ’di manghihina;

Gantimpala ay malapit na!

(KORO)

O aking Diyos, sa ’yo nagtitiwala.

Sa pagsubok ay ’di mangangamba.

Nananampalataya

Sa ’yo, aking Ama.

’Di mo ’ko iiwan kailanman,

O Jehova!

O Jehova!

 


Comments